KULONG ang tatlong lalaki matapos maaktuhan sumisinghot ng shabu sa Caloocan City kaninang madaling araw. Nakilala ang mga suspek na sina Larry Concepcion, 40; Yamashito Ollera, 25 at Ariel Narosa, 34. Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na gingawang singhutan ng shabu ang bahay ni Concepcion sa Tugatog St., Bagong Barrio ng lungsod. [...]
BUBUSISIIN ng Philippine National Police ang naganap na hostage drama sa Sampaloc, Manila kahapon ng hapon, Mayo 16. Sinabi ni PNP spokesman Senior Superintendent Generoso Cerbo Jr. na inatasan na niya kaninang umaga ang Manila Police District para magsumite ng ulat hinggil sa aksyon na ikinasa ng kanilang tauhan sa nanaganp na hostage crisis. Nais [...]
NASUGATAN ang isang pahinante nang maipit nang higit sa isang oras makaraang mabangga ang 14-wheeler truck sa dalawang poste sa southbound lane, paakyat ng flyover sa EDSA-Quezon Avenue kaninang madaling-araw. Nabatid na sugatan ang pahinanteng si Aries Santos nang nabangga ng truck ang dalawang poste ng Metro Manila Development Authority (MMDA). Nagkalat din sa daan [...]
MULING nagbaba ng piso kada kilo sa presyo ng liquified petroleum gas (LPG) o P11.00 sa kada tangke simula kaninang umaga. Ayon kay LPG Marketers Association (LPGMA) Rep. Arnel Ty, malaki ang posibilidad na bababa pa ang presyo nito sa susunod na buwan. Nagbaba ng presyo ang LPGMA dahil sa pagbaba ng contract price nito [...]
NANGANGAMBA ang ilang religious group sa Las Piñas City makaraang makadiskubre ng dalawang patay na sanggol na basta na lamang itinago sa magkahiwalay na lugar sa naturang lungsod. Unang natagpuan ng 13-anyos na scavenger ang patay na sanggol na inilaglag sa sinapupunan sa Barangay Almansa Uno, alas-10 ng gabi. Nakita aniya ng binatilyo ang isang [...]
INABOT ng limang oras bago natapos ang hostage drama sa Sampaloc, Maynila, ikinamatay ng isang biktima at ikinasugat ng isa pa makaraang barilin ng dating master sgt at miyembro ng Philippine Marine kaninang tanghali. Buhay namang naaresto ng mga miyembro ng MPD-Special Weapon & Tactics ang suspek na si Vergante Negocio, kamag-anakan ng mag-asawang hinostage [...]
PATAY ang 32-anyos na obrero makaraang barilin ng riding-in-tandem sa Payatas, Quezon City kaninang umaga. Kinilala ang biktima na si Reynaldo Indoy, construction worker ng Quezon City na namatay noon din dahil sa tama ng bala ng baril sa katawan. Ayon kay SPO1 Eric Lazo ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit [...]
DALAWA ang namatay habang lima ang sugatan nang magkagulo at magkabarilan sa isang lamay ng patay sanhi ng dayaan sa sugal sa Pangasinan kaninang madaling-araw. Kapwa nagtamo ng tama ng bala ng kalibre 45 sa noo sina Sandy Garcia, ng Urbiztondo at Maribel Lapino, ng Dagupan City. Isinugod naman sa ospital sanhi ng tama ng [...]
PINAG-AARALAN na ng pamunuan ng Philippine National Police ang pagluluwag sa kanilang hinihinging height limit para sa mga kuwalipikadong police applicants. Sa pahayag, pabor ang PNP na alisin na ang height requirement sa mga aplikanteng pulis kung saan ang kasalukuyang height limit ay 5’4 sa mga lalaki, habang 5’2 sa mga babae. Sa panig naman [...]
NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang bultu-bultong pekeng footwears na tinatayang umaabot sa halagang P25 milyon sa Baclaran, Pasay City kanina. Sa utos ni Customs Commissioner Ruffy Biazon, ay nagsagawa ng inspeksyon ang BOC Intelligence Group sa No. 56 Russel Avenue, Baclaran at nakulasan na isang ware house ang ginagamit na imbakan [...]