SA unang pagkakataon ay nagkaharap na rin sina Justice Secretary Leila de lima at Senator-judge Panfilo Lacson sa ika-23 araw ng impeachment trial kay Supreme Court Justice Renato Corona. Naging mabusisi ang pagtatanong ni Lacson kay de Lima kaugnay sa pagtestigo nito sa sinasabing iregularidad na pagpapalabas ng TRO sa dating Pangulong Arroyo at dating [...]
IBINASURA na ng impeachment court ang ilan sa naging pahayag ni Justice Sec. Leila de Lima hinggil sa kanyang ginawang pagpapatunay sa naging dissenting opinion ni Associate Justice Sereno laban sa temporary restraining order (TRO) na inilabas ng Korte Suprema sa travel ban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. SSa utos ni Senate President Juan Ponce [...]
IGIGIIT ng prosekusyon na patestiguhin si Supreme Court (SC) Associate Justice Ma. Lourdes Sereno sa Senate impeachment court. Sinabi ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas, na pakikiusapan nila si Sereno na tumestigo sa impeachment court para patunayan ang kanyang dissenting opinion na direkta umanong nakialam si Chief Justice Renato Corona sa en banc session sa [...]
HINDI na nagugustuhan ng liderato ng House of Representatives ang pag-asta ng mga senador sa kapwa nila mga mambabatas na nagsisilbing prosecutor sa ginaganap na impeachment trial laban kay Chief Justice Renato Corona. Ayon kay House Majority Floorleader Neptali Gonzales III, hindi magandang tingnan na ang mga kongresista ay pinagagalitan o pinanlilisikan pa ng mata [...]
WALANG masama sa pagtanggap ni Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) chairman Cristino “Bong” Naguiat ng ‘freebies’ gaya ng hotel accommodation at iba pang mamahaling regalo. Sa naging reklamo ng US-based casino giant na Wynn Resorts, sinasabing tumanggap si Naguiat ng mga kaduda-dudang pabor mula sa Japanese gambling magnate na si Kazuo Okada. Ayon naman [...]
ISANG positibong development ang nangyaring pagbasa ng sakdal kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kanina na nahaharap sa kasong election sabotage. Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, makabubuti sa dating lider ang nangyaring arraignment sa kanya dahil mabibigyan na siya ng pagkakataon na maihayag ang kanyang panig sa patas na sistema ng hustisya sa bansa. “Rep. [...]
HINDI matanggap ng ilang senador ang bagong form ng statement of assets, liabilities and Net worth (SALN) na ipinagagamit ng Civil Service Commission (CSC) sa lahat ng opisyal at empleyado ng pamahalaan dahil taliwas sa itinakda ng Saligang Batas. Ngayong araw, sinabi ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na nakatakdang maghain ng kaukulang resolusyon [...]
KARAGDAGANG 12 overseas Filipino worker (OFW) mula Syria ang nakatakdang dumating sa Pilipinas bukas ng hapon, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA). Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Raul Hernandez, na inaasahang lumapag sa Ninoy Aquino Internation Airport (NAIA) ang mga OFW na pawang kababaihan bandang alas-4:15 ng hapon. Ang mga OFW ay pumaloob [...]
NAGSIMULA na ang ika-23 araw ng paglilitis ng impeachment case ni Chief Justice Renato Corona sa Senado. Pinangunahan ni Senator-Judge Eduardo Angara ang panimulang panalangin. Dumalo ngayong araw ang 22 senador. Samantala, kabilang sa mga inaasahan ay ang muling pagtestigo ni Justice Secretary Leila de Lima para sa Article 7 ng impeachment complaint. Inanyayahan din [...]
TUTOL ang Kamara sa planong pagbuwag ng Department of National Defense sa National Development Support Command (NADESCOM) na nagpapatupad ng civil-military operations at development projects ng pamahalaan. Naghain ng House Resolution 2053 si Bohol Rep. Enrico Aumentado na nanghihikayat sa pamunuan ng DND na huwag ng ituloy ang planong pag-alis sa NADESCOM sa Mayo 3. [...]