HANDA na si Tina sa pakikipag-usap sa kaibigang si Sally. Iibahin niya ang kanyang boses para hindi makilala ng una. Maayos na sinagot ng huli ang kanyang tawag … Hindi siya puwedeng sumagot nang pabastos lalo’t hindi naman niya alam ang pakay sa kanya nang tumawag. “Sino ba ito at ano ang kailangan nila?” mahinahon [...]
NAISIP ni Jason na kung basta lang siya magtatanong, baka walang magturo kung nasaan si Sally. Tiyak na pinagbilinan na niya ang lahat niyang kakilala sa trabaho na huwag sasabihin sa kanya kung nasaan siya. Pero hindi siya puwedeng mapaglalangan ng mga ito. Kung may branch ang Queen of Diamonds at sa isa sa mga [...]
MALUNGKOT na tiningnan ni Linda si Jason. “Wala na si Sally rito. Sayang at hindi mo sina inabutan. Nagpaalam na siya sa mag-ari na lilipat ng trabaho at pinayagan naman siya dahil tindahan pa rin niya ang lilipatan. Pero hindi ko alam kung saan. Tanging si Boss lamang ang nakakaalam kung saan niya inilipat si [...]
NAPUYAT si Jason pero hindi niya alintana. Magdamag siyang gising … Sabik na hinihintay ang pagdating ng umaga. Buo na ang plano niya kinabukasan … Hindi muna siya papasok … Magdadahilan na maysakit … Wala siyang aasikasuhin kundi ayusin ang gusot nila ni Sally para bumalik sa condo unit niya ang babae. Pero iginupo rin [...]
MABILIS ang pagpapatakbo ni Jason sa kanyang kotse papauwi sa condominium na tinitirahan. Nasasabik siya na madatnan doon ang kasuyo… Hindi kasi niya maintindihan kung bakit siya kinakabahan. Kung kailan siya nagmamadali, saka naman parang ayaw makisama sa kanya ng pagkakataon. Natrapik siya … Ang dahilan, may aksidente sa unahan. Isang kotse at trak ang [...]
“A-ANO ba ang pinagsasabi mo? Bakit ko naman tatawagan ang asawa mo? What for?” tanggi ni Jason sa tanong ni Sally. Umismid ang babae. “Hindi ka puwedeng magkaila. Kausap ko kanina si Jude. Tinawagan niya ako para kumpirmahin kung sino ang lalaki na tumawag sa kanya para siraan ako. At ipinadala niya sa akin ang [...]
MATAMANG naghintay si Sally sa text ni Jude. Sana’y makilala niya kung sino ang may-ari ng numero na nag-text sa kanya. Pagbubuntunan niya ito ng galit dahil sa pakikialam sa buhay nang may buhay. Sa kanyang paniniwala, wala siyang pakialam kung anoman ang maisipan niyang gawin sa buhay. Hindi naman nagtagal at biglang nag-ring ang [...]
TINAMAD nang magluto ni Jude … Nawalan na rin siya ng ganang kumain. Kaya kahit tinapos ni Tina ang kanyang niluluto, bumalik na lang siya sa itaas ng kanilang bahay. Pumasok sa kuwarto. Nahiga sa kama … Parang wala sa sarili na nakatutok ang mga mata sa kisame. May nararamdaman siyang kirot sa dibdib … [...]
NANG lumabas na si Sally sa kuwarto, bumangon si Jason. Gising na rin pala ang binata. Dinampot niya ang cellphone na nakapatong sa mesita. May hinanap siya sa phonebook … Numero ito ng cellphone ng mister ni Sally na si Jude. Habang wala ang babae, sasamantalahin niya ang pagkakataon na tawagan ang lalaki. Nasa kusina [...]
HINDI sinunod ni Jason ang bilin ni Sally. Sinadya niyang sa loob ng lungga nito pasabugin ang kanyang pananabik. Naramdaman ng babae ang pagsirit ng masaganang katas ng lalaki sa loob ng kanyang pagkababae. Nang humihingal na magpatihulog na si Jason sa kanyang tabi, galit niyang kinompronta ang lalaki. “Animal ka! Sabi ko sa iyo [...]