Remate Online ANG DYARYO NG MASA ONLINE 2024-04-26T01:33:00Z https://remate.ph/feed/atom/ WordPress Shyr Abarentos <![CDATA[PCO: Foreign entities posibleng nasa likod ng Marcos deepfake clip]]> https://remate.ph/?p=563738 2024-04-25T15:48:30Z 2024-04-26T02:00:45Z MANILA, Philippines- Inimbestiigahan ng gobyerno ang posibilidad na mga dayuhan ang sangkot sa viral deepfake video ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nag-uutos ng military action laban sa isa pang bansa, ayon sa Palasyo nitong Huwebes. Bagama’t hindi binanggit ng Presidential Communications Office (PCO) ang partikular na video,  ipinost ng nabura nang YouTube channel Dapat […]

The post PCO: Foreign entities posibleng nasa likod ng Marcos deepfake clip first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines- Inimbestiigahan ng gobyerno ang posibilidad na mga dayuhan ang sangkot sa viral deepfake video ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nag-uutos ng military action laban sa isa pang bansa, ayon sa Palasyo nitong Huwebes.

Bagama’t hindi binanggit ng Presidential Communications Office (PCO) ang partikular na video,  ipinost ng nabura nang YouTube channel Dapat Balita ang video kung saan ginaya ang boses ni Marcos na nag-uutos na atakihin ang China.

Ayon kay PCO Assistant Secretary Wheng Hidalgo, sinisikap ng government agencies na tukuyin ang mga indibidwal o grupong responsable sa video.

“Ngayon nakikipag-ugnayan na ang PCO sa DICT(Department of Information Technology)  at saka sa NSC (National Security Council) para doon sa imbestigasyon at nag-coordinate na rin sa Facebook, sa Google, sa lahat ng mga social media platforms, para matukoy kung sino ba ang gumawa nito, kasi baka hindi lang dito sa Pilipinas, baka may foreign intruders na gumawa nito, iyong may hackers na galing pa sa ibang bansa, so iniimbestigahan po iyan ng ating pamahalaan,” pahayag ni Hidalgo sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing. 

Dagdag ng opisyal, nakaaalarma rin ang timing ng deepfake, na lumitaw sa kasagsagan ng Balikatan exercises. 

Inihayag ni Hidalgo na maaaring akalain ng mga hindi pamilyar sa boses ni Marcos na totoo ang deepfake. Hiniling niya sa publiko na maging kritikal sa naririnig nilang balita, at beripikahin ang impormasyon sa PCO website. RNT/SA

The post PCO: Foreign entities posibleng nasa likod ng Marcos deepfake clip first appeared on Remate Online.

]]>
0
Shyr Abarentos <![CDATA[Chinese military: Pinas walang historical claims sa WPS]]> https://remate.ph/?p=563734 2024-04-25T15:46:17Z 2024-04-26T01:48:05Z MANILA, Philippines- Iginiit ng Chinese military official nitong Huwebes na walang historical claims ang Pilipinas sa West Philippine Sea, hindi tulad ng China. Sinabi ni Wu Qian, tagapagsalita ng China’s Defense Ministry, na alam ng Pilipinas na ang saklaw ng teritoryo nito ay tinutukoy lamang ng mga sumusunod: “1898 Treaty of Peace Between the United […]

The post Chinese military: Pinas walang historical claims sa WPS first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines- Iginiit ng Chinese military official nitong Huwebes na walang historical claims ang Pilipinas sa West Philippine Sea, hindi tulad ng China.

Sinabi ni Wu Qian, tagapagsalita ng China’s Defense Ministry, na alam ng Pilipinas na ang saklaw ng teritoryo nito ay tinutukoy lamang ng mga sumusunod:

  • “1898 Treaty of Peace Between the United States of America and the Kingdom of Spain (Treaty of Paris),

  • the 1900 Treaty Between the Kingdom of Spain and the United States of America for Cession of Outlying Islands of the Philippines (Treaty of Washington)

  • and the 1930 Convention Between the United States of America and Great Britain Delimiting the Boundary Between the Philippine Archipelago and the State of North Borneo (1930 Convention between the US and UK)”

Ang Nansha Qundao at Huangyan Dao—kilala sa Pilipinas bilang Ayungin at Scarborough Shoals—”are far beyond the scope of Philippine territory defined by the above-mentioned treaties,” ani Wu.

Inihayag ng Chinese official na ang China ang may mahabang claim sa mga isla sa West Philippine Sea.

Aniya, sila pa ang unang nakadiskubre “named and exploited by China and had long been under China’s jurisdiction since the early years of the Ming Dynasty.”

“Japan had stolen Diaoyu Dao during the Sino-Japanese War. In accordance with such international legal documents as the Cairo Declaration and the Potsdam Proclamation, Diaoyu Dao was returned to China in terms of international law,” dagdag nito.

Sinabi ni Wu na kinikilala ito ng international community.

“It’s a pure wishful thinking of the Japanese side to stir up disputes over the sovereignty of Diaoyu Dao and fish in troubled waters,” patuloy ng opisyal.

Gayundin, hindi kinilala ni Wu ang arbitral award sa South China Sea, na base sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na pinagtibay din ng China.

Wika niya, ang award “is nothing more than a piece of waste paper,” at ang tribunal “violated the principle of state consent, exercised its jurisdiction ultra vires, and rendered an award in disregard of the law.”

“The arbitration violates UNCLOS and general international law. The rendered award is illegal, null and void,” giit niya at idinagdag na “China does not accept or recognize the award.” RNT/SA

The post Chinese military: Pinas walang historical claims sa WPS first appeared on Remate Online.

]]>
0
Shyr Abarentos <![CDATA[2 puganteng SoKor nat’l nalambat ng BI]]> https://remate.ph/?p=563802 2024-04-26T01:33:00Z 2024-04-26T01:45:57Z MANILA, Philippines- Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang lalaking wanted sa South Korea dahil sa kinakaharap nilang serious crimes sa isinagawang operasyon sa Pampanga. Iniulat ni BI fugitive search unit (FSU) Chief Rendel Ryan Sy ang pag-aresto kina Choi Suang Hwan at Kang Seunghoon sa magkahiwalay na operasyon noong Abril […]

The post 2 puganteng SoKor nat’l nalambat ng BI first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines- Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang lalaking wanted sa South Korea dahil sa kinakaharap nilang serious crimes sa isinagawang operasyon sa Pampanga.

Iniulat ni BI fugitive search unit (FSU) Chief Rendel Ryan Sy ang pag-aresto kina Choi Suang Hwan at Kang Seunghoon sa magkahiwalay na operasyon noong Abril 24 sa pakikipag-ugnayan sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ayon sa BI, inaresto si Choi, 53, sa Brgy. Anunas, Clark Freeport Zone, Angeles City alinsunod sa isang mission order na inisyu ni BI Commissioner Norman Tansingco.

Nabatid na may kinahaharap na warrant of arrest si Choi na inisyu ng Seoul Eastern District Court sa Korea dahil sa pandarambong na iniulat na nagkakahalaga ng KW 75.5 milyon na paglabag sa Article 347- (1) ng Criminal Act of the Republic of Korea. Ang kanyang pasaporte ay binawi na ng gobyerno ng Korea, kaya siya ay isang undocumented alien.

Samantala, inaresto si Kang sa kahabaan ng Jose Abad Santos Ave. Clark Freeport Zone, Angeles City matapos ideklara itong pugante dahil sa warrant na inilabas laban sa kanya ng Incheon District Court sa Korea.

Pinaghahanap si Kang dahil sa ginawa nitong pandaraya na nagkakahalaga ng 850 Million KRW.

“These arrests underscore our relentless dedication to ensuring the safety and security of our communities. By working hand in hand with our law enforcement partners, we send a clear message that criminals will not find refuge in our country,” wika ni Tansingco.

Kapwa mananatili sina Choi at Kang sa holding facility ng BI sa Taguig habang hinihintay ang pagresolba ng kasong deportasyon laban sa kanila. Kris Jose

The post 2 puganteng SoKor nat’l nalambat ng BI first appeared on Remate Online.

]]>
0
Shyr Abarentos <![CDATA[Kim, binantayan si Paulo sa prem night!]]> https://remate.ph/?p=563748 2024-04-25T21:40:00Z 2024-04-26T01:37:42Z Manila, Philippines – Marami ang napa-“huwowww Cubao” nang dumalo si Kim Chiu sa premiere night ng Viva Film titled Elevator na pinagbibidahan nina Paulo Avelino at Kylie Versoza nito lang nakaraang April 23, 2024 at kinabukasan, April 24 ay showing na agad in theaters nationwide. Tanong ng ilang tribu ni Mosang, kaya raw ba dumalo […]

The post Kim, binantayan si Paulo sa prem night! first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Marami ang napa-“huwowww Cubao” nang dumalo si Kim Chiu sa premiere night ng Viva Film titled Elevator na pinagbibidahan nina Paulo Avelino at Kylie Versoza nito lang nakaraang April 23, 2024 at kinabukasan, April 24 ay showing na agad in theaters nationwide.

Tanong ng ilang tribu ni Mosang, kaya raw ba dumalo ang Kim sa nasabing okasyon ay para to support the movie of Paulo na nali-link romantically sa kanya lately after ng hiwalayan nila ng ex-labs niy.ang si Xian Lim or dumalo siya para sure na mabantayan nitey ang pagdikit-dikit ng ka-loveteam kay Kylie Versoza?

And another tanong. Hindi raw kaya ito nagselos habang pinapanood ang nakaka-elyang kissing scenes nina Pau at Kylie at pasimpleng kinurot-kurot ni Kim ang hita ng aktor habang pinapakita nga sa big screen ang lips to lips ng dalawang bida?

Well, no one knows kundi silang dalawa lamang ang nakaka-alam, boom, ganernn!

“Pag si Paulo binibigyan ng role, ginagawa niya ng sobra,” sey ni Kim nang tanungin kung ano ang expectation niya sa bagong movie ng kanyang rumored boyfriend.

Agree naman ang ilang invited press pipol  kay Paulo nang sabihin niyang “feel-good” lang ang kuwento ng “Elevator” at inspiring din dahil ipinakita rin sa pelikula kung paano magsumikap at magtrabaho ng marangal ang ating mga OFW.

Kinunan ang kabuuan ng pelikula sa Singapore kung saan gumaganap ngang elevator boy si Paulo habang si Kylie naman ang dyowa ng mayamang negosyante na mai-involve sa kanya na siyang pagsisimulan ng twists and turns ng istorya.

“It’s something that would inspire you not just for your career but also sa outlook mo in life,” ang sabi nga ni Paulo sa panayam sa kanya ng showbiz press.

O, siya, watch nyo na in theaters nationwide itong Elevator movie nina Paulo at Kylie at malay niyo, pag sumakay kayo sa elevator ng mga sinehang showing ang said Viva Film ay ma-meet nyo rin ang inyong meant to be partner, boom, yun na! Mercy Lejarde

The post Kim, binantayan si Paulo sa prem night! first appeared on Remate Online.

]]>
0
Shyr Abarentos <![CDATA[Pinsala sa Reef corals naobserbahan ng BFAR; marine bioderversity nakakarekober]]> https://remate.ph/?p=563730 2024-04-25T15:44:55Z 2024-04-26T01:34:33Z MANILA, Philippines- Nananatiling nasa maayos na kondisyon ang marine biodiversity sa Rozul Reef sa West Philippine Sea sa kabila ng pagkuha at pagkapinsala ng corals, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Huwebes. Sinabi ni BFAR spokesperson Nazario Briguera na sa halip ay dapat tutukan ng Pilipinas ang crushed corals na namataan […]

The post Pinsala sa Reef corals naobserbahan ng BFAR; marine bioderversity nakakarekober first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines- Nananatiling nasa maayos na kondisyon ang marine biodiversity sa Rozul Reef sa West Philippine Sea sa kabila ng pagkuha at pagkapinsala ng corals, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Huwebes.

Sinabi ni BFAR spokesperson Nazario Briguera na sa halip ay dapat tutukan ng Pilipinas ang crushed corals na namataan sa seabed ng Rozul Reef.

“In terms of marine biodiversity, may mga initial reports na nagsasabi na in good condition pa naman ‘yung marine biodiversity sa Rozul Reef,” pahayag ng opisyal sa isang public briefing.

“Pero kailangan mas tingnan ‘yung mga buhangin or coral ravels, titignan kung man-made ba ito or talagang ito ‘yung natural appearance ng mga corals doon sa lugar,” dagdag niya.

Makikita sa isang underwater video na kuha sa Rozul Reef ang maputlang kulay ng crushed corals, base sa ulat nitong Huwebes.

Sa kabila nito, mayroong mga senyales na nakakarekober ang biodiversity, tulad ng nakitang clownfish sa sea anemone nito at maliit na isdang naglalangoy malapit sa patay na corals.

Sinabi ni Briguera na kailangan ng masusing imbestigasyon at pagsasaliksik upang matukoy kung ang crushed corals sa Rozul Reef ay gawa ng tao.

Noong September 2023, iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang “severe damage” sa marine environment at coral reef sa seabed ng Rozul Reef at Escoda Shoal.

Kasunod ito ng unang pag-uulat ng Armed Forces of the Philippines Western Command ng kaso ng malawakang coral harvesting sa Rozul Reef.

Ang lugar na ito, saklaw ng exclusive economic zone ng bansa, ay ang lokasyon kung saan namataan ang Chinese military at militia vessels.

Itinanggi ng China’s Ministry of Foreign Affairs na ang mga Chinese ang responsable sa pinsala sa corals sa West Philippine Sea.

“The Philippines’ accusations have no factual basis. We urge relevant party of the Philippines to stop creating a political drama from fiction,” pahayag ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning noong nakaraang taon. RNT/SA

The post Pinsala sa Reef corals naobserbahan ng BFAR; marine bioderversity nakakarekober first appeared on Remate Online.

]]>
0
Shyr Abarentos <![CDATA[NSC nagbabala: Foreign entities maaaring manggulo sa 2025 elections]]> https://remate.ph/?p=563797 2024-04-26T01:23:17Z 2024-04-26T01:30:26Z MANILA, Philippines- Nagbabala ang National Security Council (NSC) na may foreign entities na maaaring magtangka na makialam at manggulo sa 2025 national at local elections. Sa isang panayam, sinabi ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya na patuloy na tumataas ang “foreign maligned interference operations” sa bansa. Kabilang na sa mga aktibidad ng mga ito […]

The post NSC nagbabala: Foreign entities maaaring manggulo sa 2025 elections first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines- Nagbabala ang National Security Council (NSC) na may foreign entities na maaaring magtangka na makialam at manggulo sa 2025 national at local elections.

Sa isang panayam, sinabi ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya na patuloy na tumataas ang “foreign maligned interference operations” sa bansa.

Kabilang na sa mga aktibidad ng mga ito ay ang pag-hack sa websites at social media accounts ng marami na ring bilang ng ahensya ng gobyerno.

Ang pahayag na ito ni Malaya ay matapos na magbabala ang Malakanyang hinggil sa kumakalat na video na nagtatampok sa ‘digitally manipulated audio clip’ ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nag-uutos sa militar na kumilos laban sa isang bansa.

Mariin namang itinanggi ng Presidential Communications Office (PCO) ang naturang video, kagyat na nilinaw na si Pangulong Marcos “has no such directive” at ang audio ay “deepfake” at nilikha gamit ang artificial intelligence (AI).

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) para tugisin ang mga indibidwal na nasa likod ng “deepfake” video ni Pangulong Marcos.

Ang babala rin ni Malaya ay maaaring gamitin ang video upang guluhin ang mga isyu sa West Philippine Sea, tulad ng sinasabing “gentleman’s agreement” sa Ayungin Shoal.

Maalalang pinuna ng PCO ang isang manipuladong video na kumakalat online na nagtatampok ng pekeng audio na ginagaya si Pangulong Marcos at nag-uutos sa militar na kumilos laban sa isang bansa.

Ayon kay DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy, ito ang unang pagkakataon na ginamit ang boses ng Pangulo para gumawa ng isang policy statement. Kris Jose

The post NSC nagbabala: Foreign entities maaaring manggulo sa 2025 elections first appeared on Remate Online.

]]>
0
Shyr Abarentos <![CDATA[Pagtatalaga ng voting precinct sa Sitio Kapihan sinisilip ng Comelec]]> https://remate.ph/?p=563727 2024-04-25T15:41:19Z 2024-04-26T01:20:14Z MANILA, Philippines- Binabalak ng Commission on Elections (Comelec) na magtalaga ng voting precinct sa Sitio Kapihan, Surigao del Norte, na dating pinangangasiwaan ng kontrobersyal na grupong Socorro Bayanihan Services, Inc. (SBSI). Inanunsyo ito ni Comelec Chairman George Garcia sa voters’ registration event sa Sitio Kapihan, bulubunduking bahagi ng bayan ng Socorro, nitong Huwebes. “The Comelec […]

The post Pagtatalaga ng voting precinct sa Sitio Kapihan sinisilip ng Comelec first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines- Binabalak ng Commission on Elections (Comelec) na magtalaga ng voting precinct sa Sitio Kapihan, Surigao del Norte, na dating pinangangasiwaan ng kontrobersyal na grupong Socorro Bayanihan Services, Inc. (SBSI).

Inanunsyo ito ni Comelec Chairman George Garcia sa voters’ registration event sa Sitio Kapihan, bulubunduking bahagi ng bayan ng Socorro, nitong Huwebes.

“The Comelec is looking at this. Bakit hindi natin kayanin na maglagay ng voting precinct rito sa Sitio Kapihan?” pahayag ni Garcia na ikinatuwa ng mga residente, kabilang ang SBSI members.

“This place has around 2,000 registered voters. Why do we have to make them travel all the way to the city just so they can vote when we can bring the voting here?” dagdag ni Garcia.

Matatandaang pinag-usapan ang Sitio Kapihan matapos akusahan ng mga dating miyembro ng grupo at iba pang residente ang SBSI leadership ng sexual abuse at sapilitang child marriages sa Senate inquiry noong Setyembre.

Mula noon, binawi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Protected Area Community-Based Resource Management Agreement (PACBRMA) sa SBSI.

”Comelec’s authority is to ensure that voters are able to vote,” giit ni Garcia.

”That no one is left behind. We think there is another issue [involving the area], pero ang Comelec, walang pakialam sa issues na iyon.”

“As far as we are concerned, our fellow Filipinos need to vote, regardless of their income status, where they are from, or what their future would be. If we don’t let them vote, then that would be disenfranchisement, and that would violate our Constitution,” patuloy ng opisyal.

“We won’t be involved in the mandate of other government agencies in the same vein that they should not get involved in our mandate,” aniya pa. RNT/SA

The post Pagtatalaga ng voting precinct sa Sitio Kapihan sinisilip ng Comelec first appeared on Remate Online.

]]>
0
Shyr Abarentos <![CDATA[2 van na iniuugnay sa to P9.68B shabu haul nadiskubre sa Pampanga]]> https://remate.ph/?p=563724 2024-04-25T15:40:02Z 2024-04-26T01:06:53Z MANILA, Philippines- Natagpuang abandonado ang dalawang sasakyang iniuugnay sa multi-billion peso drug haul sa Alitagtag, Batangas, sa San Luis, Pampanga, noong April 21, ayon sa Philippine National Police (PNP).  Sinabi ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo na nakatulong ang imbestigasyon ng Calabarzon police at backtracking ng CCTV footage upang marekober ang itim na sports utility […]

The post 2 van na iniuugnay sa to P9.68B shabu haul nadiskubre sa Pampanga first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines- Natagpuang abandonado ang dalawang sasakyang iniuugnay sa multi-billion peso drug haul sa Alitagtag, Batangas, sa San Luis, Pampanga, noong April 21, ayon sa Philippine National Police (PNP). 

Sinabi ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo na nakatulong ang imbestigasyon ng Calabarzon police at backtracking ng CCTV footage upang marekober ang itim na sports utility vehicle sa isang sementeryo at ang puting sasakyan sa parking lot ng isang sabungan.

“Base sa imbistagsyon ng PNP Calabarzon, kasama na yung backtracking ng mga CCTV footages itong dalawang sasakyan po ay nakitang kasama noong Foton van na minamaneho ng suspect kung saan nakuha sa possession nya 1.4 tons of illegal drugs,” pahayag ni Fajardo sa isang press briefing.

Ani Fajardo, narekober ang mga sasakyang may ibang plaka subalit natagpuan ang aktuwal na license plates sa CCTV footage.

Bukod dito, sinabi ni Fajardo na natuklasan din ng mga awtoridad ang Official Receipt/Certificate of Registration ng dalawang SUVs. 

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Highway Patrol Group – Calabarzon ang mga sasakyan.

Isasailalim ang mga ito sa forensic examination, macro-etching, o verification procedure kung saan gumagamit ng paint remover upang suriin kung hindi binago ang mga numero.

Inihayag din ni Fajardo na nakapanayam na ng mga imbestigador ang ilang saksi mula sa San Luis subalit hindi inilahad ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Aniya, itinuro umano ng mga saksi ang isang “logbook” na nagkukumpirmang magkakasamang bumiyahe ang mga sasakyan.

Nang tanungin ukol sa pagkakakilanlan at paglalarawan ng mga driver ng mga sasakyan, hindi isiniwalat ni Fajardo ang anumang detalye ukol sa kanila subalit tiniyak sa publiko na may hawak silang “good leads.”

Bukod sa mga sasakyan, nauna nang inihayag ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na nadiskubre ng mga awtoridad ang isang yate na iniuugnay sa P9.68 billion shabu haul. 

Natuklasan ang mga droga sa loob ng isang van patungong Parañaque City. Pinatigil ng mga awtoridad ang driver nito na kinilalang si Alajon Michael Zarate, habang patungo sa Lipa City. RNT/SA

The post 2 van na iniuugnay sa to P9.68B shabu haul nadiskubre sa Pampanga first appeared on Remate Online.

]]>
0
Shyr Abarentos <![CDATA[Petisyong paglipat sa kaso ni Quiboloy sa NCR nakabinbin pa]]> https://remate.ph/?p=563745 2024-04-25T15:55:04Z 2024-04-26T01:00:13Z MANILA, Philippines- Wala pang opisyal na aksyon ang Korte Suprema sa kahilingan ng Department of Justice na mailipat sa Pasig RTC mula Davao City ang kaso ni Kingdom of Jesus Christ Apollo Quiboloy. Nilinaw ni Supreme Court (SC) Spokesperson Camille Sue Mae Ting na inaprubahan na ng Office of the Court Administrator (OCA) ang petisyon […]

The post Petisyong paglipat sa kaso ni Quiboloy sa NCR nakabinbin pa first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines- Wala pang opisyal na aksyon ang Korte Suprema sa kahilingan ng Department of Justice na mailipat sa Pasig RTC mula Davao City ang kaso ni Kingdom of Jesus Christ Apollo Quiboloy.

Nilinaw ni Supreme Court (SC) Spokesperson Camille Sue Mae Ting na inaprubahan na ng Office of the Court Administrator (OCA) ang petisyon ng DOJ na ilipat ang venue ng kaso ni Quiboloy na sexual abuse of minor. Gayunman, hindi pa nakararating sa tangapan ng Chief Justice ang rekomendasyon ng OCA sa usapin.

Ipinaliwanag ni Ting na bahagi ng proseso ang pormal na pag-apruba ng Supreme Court sa rekomendasyon ng OCA.

Kailangan aniya na hintayin muna ang magiging desisyon ng SC sa kahilingan ng DOJ na mailipat sa Metro Manila ang pagdinig sa kaso ni Quiboloy.

Ang naturang spiritual leader at iba pa nitong kasamahan ay nahaharap sa paglabag sa probisyon ng Anti-Child Abuse Law hinggil sa sexual abuse of minors and maltreatment.

Bukod dito, sinampahan din si Quiboloy ng kasong qualified human trafficking sa Pasig RTC.

Minarapat ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ilipat sa Metro Manila ang pagdinig upang matutukan ng prosekusyon ang mga kaso ni Quiboloy. Teresa Tavares

The post Petisyong paglipat sa kaso ni Quiboloy sa NCR nakabinbin pa first appeared on Remate Online.

]]>
0