Headline News

remate online logo

CALAMBA, LAGUNA – Isang kasambahay at isang apat na buwang sanggol ang pinagtataga nang pasukin ang kanilang bahay ng hindi nakilalang mga kawatan sa Bgy. Lawa kaninang umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Teresita Torres, nasa hustong gulang at Mark Daniel, apat na buwan at kapwa nakatira sa naturang lugar.

Sa imbestigasyon, alas-12:00 ng umaga nang maganap ang krimen matapos pasukin ng hindi nakilalang salarin ang tahanan ng mga biktima.

Nabatid na tinangka ng mga suspek na pagnakawan ang naturang bahay subalit nagising si Torres na noon ay katabi ang natutulog na sanggol kaya nanlaban ito bunsod upang siya ay pagtatagain.

Dahil sa komosyon ay nagising ang sanggol kaya ito naman ang napagbalingan ng mga suspek at walang awa ring tinaga.

Matapos isagawa ang krimen ay mabilis na tumakas ang salarin habang ang mga biktima ay agad na binawian ng buhay.

Habang isinusulat ang balitang ito ay may linaw na kung sino ang mga suspek subalit sadyang hindi muna binanggit ng pulisya bunsod ng inihahandang operasyon.

 

 

Nako ang ganda ng The Legal Wife,nakaka tense. Gus...
NYAHAHAHA SO KAKASUKA KUNYARI LANG NA EXTEND ANG S...
NYAHAHAHHA DALAWANG SERYE NGAUN SA PRIMETIME NG DO...
SOP yun....itong writer maka bobo lang lumalabas t...
Bakit Abe, ibig mo bang sabihin eh na-outnumber na...
hahaha! baka kailangan na ni kristd mag-shampoo na...
AGB? hahahaha! patawa ka naman kristd eh....hahaha...
hahaha! dito sa u.s. (siguro kahit sa ibang bansa ...
corek...
sa title pa lang ay mukhang may sense ang mga peli...

BREAKING NEWS

© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.