₱1.08B COVID-19 compensation sa healthcare workers inilbas ng DBM

₱1.08B COVID-19 compensation sa healthcare workers inilbas ng DBM

May 16, 2022 @ 9:35 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Budget and Management (DBM), araw ng Linggo, na ipinalabas na nito ang ₱1.08 bilyong piso para sa medical frontliners na nagkaroon o nahawaan ng COVID-19 dahil sa pagganap sa kanilang tungkulin ngayong taon.

Sa isang kalatas, sinabi ng DBM na ang budget, saklaw ang public at private healthcare workers at non-HCWs sa medical facilities, ay nailipat na sa Department of Health (DOH).

Ang mga medical frontliners na nakaranas ng mild o moderate COVID-19 ay makatatanggap ng kompensasyon na ₱15,000, habang iyong mga dumanas naman ng severe infection ay makatatanggap ng ₱100,000.

Kung ang isang health worker o non-HCW ay pumanaw dahil sa virus, makatatanggap ng milyong piso ang pamilya nito.

“The identification of COVID-19 classification of eligible HCWs and non-HCWs shall be based on the criteria set by the health department under DBM-DOH Joint Circular No. 2022-0002,” ayon sa DBM.

“The DBM will continue to ensure the timely and prudent approval of the budget releases to safeguard the welfare of the frontliners as the country bounces back from the impacts of the health crisis,” dagdag na pahayag nito.

Nauna rito, ipinalabas naman ng DBM ang ₱7.92 bilyong piso para i-cover ang bayad sa ‘One COVID-19 Allowance’ ng mga healthcare workers .

Mahigit sa 500,000 eligible public at private employees na kasama sa pandemic healthcare response ang inaasahan na makikinabang mula sa allowance. Kris Jose