₱1.2B tax evasion complaint ikinasa ng BIR vs illegal vape traders

₱1.2B tax evasion complaint ikinasa ng BIR vs illegal vape traders

December 13, 2022 @ 5:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines-  Nagsampa ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng ₱1.2 billion tax evasion complaint laban sa limang illegal vape sellers.

Pinangunahan ng bagong talagang BIR chief na si Romeo Lumagui leang paghahain ng reklamo nitong Martes sa Department of Justice – pinakauna sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Inkusahan ang respondents ng “unlawful possession of article subject to excise tax without payment of taxes.”

Nagmula ang kaso sa raid na isinagawa noong Nobyembre kung saan halos 100,000 vape units at iba pang produkto ang nakumpiska.

Giit ni Lumagui, magiging agresibo ang BIR sa pagtugis sa big-time tax evaders.

Nauna na niyang inihayag na nawawalan ang pamahalaan ng halos ₱1.4 bilyong annual revenue dahil sa smuggled vapes.

“[K]aya po ang panawagan natin sa mga nais mag-negosyo ng mga vape products at kahit mga sigarilyo, mag rehistro po kayo at rehistro niyo yung produkto niyo,” apela niya sa sellers. “Otherwise, considered illegal siya at subject to confiscation yan at puwede pa kayong makulong.” RNT/SA