₱33 minimum wage hike sa NCR, epektibo na sa Hunyo 3 – DOLE

₱33 minimum wage hike sa NCR, epektibo na sa Hunyo 3 – DOLE

May 18, 2022 @ 3:15 PM 9 months ago


MANILA, Philippines – Epektibo na sa Hunyo 3 ang ₱33 na minimum wage increase sa Metro Manila.

Ito ang inanunsyo ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa pamamagitan ni DOLE-Information and Publication Services director Rolly Francia.

“‘Yan ay matapos aprubahan o i-confirm ng National Wages Productivity Commission ang rekomendasyon na nagtataas ng ₱33 bawat araw para sa mga manggagawa dito sa National Capital Region,” saad ni Francia.

Ibig sabihin, simula sa susunod na buwan, ay magiging ₱570 na ang minimum wage para sa mga manggagawa sa non-agriculture sector at ₱533 sa agriculture sector.

Samantala, kung mailalathala ang wage order para sa Western Visayas bukas, Mayo 19, magiging epektibo rin ang dagdag-sweldo ng mga manggagawa sa nasabing rehiyon sa Hunyo 3. RNT/ JCM