₱4.2B hirit ng OWWA sa pagpapauwi ng OFWs

₱4.2B hirit ng OWWA sa pagpapauwi ng OFWs

September 10, 2021 @ 6:52 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Inihihirit ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Kongreso ang dagdag na ₱4.2 billion para sa pagpapauwi ng Overseas Filipino Workers sa bansa hanggang Disyembre 31.

Sinabi ni OWWA chief Hans Cacdac na nauna nang hiningi ng Labor department ang ₱7.5B supplemental funding pero hanggang sa ₱3.3B pa lang ang natanggap.

“Ito pong nilabas ng Budget department would only last until the last week of September,” ani Cacdac sa pagdinig.

Diin pa ni Cacdac na inaasahan na ang mas marami pang OFW na uuwi dahil sa papalapit na Kapaskuhan.

“We are expecting a deluge of OFWs come Christmas time lalo na ‘yung mga hindi nakauwi last year, ngayon po sila makakauwi ngayong kapaskuhan,” aniya pa.

“Tumaas po ang hotel quarantine period from 1-3 days to 7-14 days at one point,” paliwanag ni Cacdac kaya mabilis naubos ang pondo. RNT