₱40B bakuna masasayang sa mababang vax turnout — Concepcion

₱40B bakuna masasayang sa mababang vax turnout — Concepcion

April 21, 2022 @ 7:53 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagbabala si Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na may ₱40 bilyong halaga ng COVID-19 vaccine doses ang malapit nang mapapanis o ma-expire at masayang lamang bunsod ng mababang immunization turnout.

“Yes, I’m told the cost of all of these vaccines amount to ₱40 billion,” ani Concepcion sa isang public briefing. “Siyempre iba diyan dinonate ng COVAX facility, so wala naman bayad tayo diyan. I think it’s about, If I’m not mistaken, about 30 million vaccines,” ayon pa sa opisyal.

“Aside from ‘yung pera na bilyon ang masasayang, syempre ‘yung mga vaccines na that will be available at that time, mas kakaunti,” dagdag na pahayag nito sabay sabing “Siyempre, you cannot use an expired vaccine.”

Matatandaang sinabi ni Concepcion na may 27 milyong bakuna na binili ng gobyerno at pribadong sektor ang nakatakdang ma-expire sa Hulyo.

Ang halaga ng perang masasayang dahil dito ay ₱13 bilyong piso.

“As of April 18,” makikita sa data ng pamahalaan na may kabuuang 114.78 milyong indibiduwal ang nabakunahan laban sa COVID-19. sa nasabing bilang, 72.01 milyon ang nakatanggap ng one dose; 66.97 milyon naman ang fully vaccinated; at 12.68 milyon ang nakatanggap ng booster shots.

Dahil dito, hinikayat ni Concepcion ang publiko na magpabakuna na upang mapanatili ang “wall of immunity” sa bansa.

“We are trying not just to save these vaccines from getting wasted, but what’s more important is we are trying to save yung economy natin,” ayon kay Concepcion. Kris Jose