₱50B loan program sa crisis-affected businesses, ikinasa ng LandBank

₱50B loan program sa crisis-affected businesses, ikinasa ng LandBank

May 16, 2022 @ 9:21 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Naglungsad ang Land Bank of the Philippines (LandBank) ng bagong loan program para sa mga negosyong labis na tinamaan ng natural o man-made disasters, gaya ng Russia-Ukraine war.

Sa isang kalatas, araw ng Linggo, inanunsyo ng LandBank ang bagong programa na tinawag nitong NATION SERVES, o National Assistance Towards Initiating Opportunities to Entities sa gitna ng “Social and Economic Reserves which Visible Entail Shockwaves to Businesses.”

Sinabi ng state-run lender na naglaan ito ng ₱50 billion para sa programa, naglalayong makapagbigay ng karagdagang working capital para sa mga negosyo.

Magagamit ng mga negosyo o enterprises ang bagong budget para palakasin ang kanilang operasyon, palawakin ang trading facilities, at stockpile supplies at inventories para mabawasan ang epekto ng naturang krisis.

“LandBank aims to bolster the resiliency of key development industries by cushioning the negative impact of economic disruptions,” ayon kay president at chief executive Cecilia Borromeo.

“Through the NATION SERVES lending program, we will also contribute to preventing price surges on basic commodities as we continue serving the nation,” dagdag na pahayag nito.

Pinapayagan ng programa ang mga negosyo na makapag-secure ng hanggang 85% ng aktuwal na pangangailangan, na may interest rate base sa “applicable” Bloomberg Valuation Reference rate sa panahon ng pag-avail, idagdag pa ang hindi naman lalagpas sa 75% ng “prescribed spread” batay naman sa credit rating ng mga borrower. Kris Jose