₱8.3-B Comelec building matatapos sa loob ng 4 taon

₱8.3-B Comelec building matatapos sa loob ng 4 taon

January 4, 2023 @ 8:22 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Posibleng matapos ang bagong gusali ng Commission on Elections (Comelec) na itatayo sa Pasay City  sa loob ng tatlo hanggang apat na taon, ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia.

Sa isang media briefing, sinabi ni Garcia na iminungkahi ng Comelec ang ₱8.3-bilyong budget batay sa mga konsultasyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

“Sabi ng DPWH mula sa [₱]9.3 [billion], [₱]8.3 [billion] na lang muna. Subject to further adjustment [ito] kasi nagmamahal ang presyo ng kagamitan,” ani Garcia .

Sinabi ni Garcia na magsisimula ang konstruksyon sa ikatlong quarter ng 2023 na may preliminary budget na ₱1.5 bilyon.

“Yun yung [budget na] kailangan namin sa unang taon para makapagsimula [ng construction].”

Aniya, magsisimula ang bidding sa unang kalahati ng taon. RNT