0-4 anyos target bakunahan vs COVID sa Hunyo – Galvez

0-4 anyos target bakunahan vs COVID sa Hunyo – Galvez

January 11, 2022 @ 10:30 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Target ng pamahalaan na bakunahan laban sa COVID-19 ang nasa 11.11 milyong kabataan edad 0 hanggang 4 bago matapos ang buwan ng Hunyo.

Sinabi ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, Lunes ng gabi na puntirya ng pamahalaan na mabakunahan ang 90 milyong Filipino bago matapos ang buwan ng Hunyo kung saan kabilang na rito ang “youngest age group.”

“Ito po ang ating mga objectives: Unang-una, to vaccinate 90 million Filipinos before the end of June 2022. Number two, provide 72.16 million boosters for adult population ages from 18 years old and above. Number three, vaccinate 12.74 million or 12-17 years old with boosters,” ani Galvez.

“Number four, bakunahan din po natin ang 15.56 million na 5-11 years old with boosters. And also, we will vaccinate 11.11 million na 0-4 years old with primary series,” dagdag na pahayag nito.

Aniya, gumagawa sila ng contingencies para matiyak ang suplay ng COVID-19 vaccines para sa 0-4 years old “as COVID-19 vaccine brands with formulation for children are only limited,” na aniya ay maaaring kapusin sa first quarter.

“Iyong children formulation na 5-11 years might be available by the end of January,” anito.

“Ito po ‘yung last ano po namin contact po namin sa ating mga manufacturer and we are now making some contingencies to acquire doses that we need to include the ages 0-4 years old,” dagdag na pahayag ni Galvez.

Aniya pa, kailangan ng pamahalaan na bumili ng 26 milyong doses ng COVID-19 vaccines para sa mga kabataan na may edad 5 hanggang 11 taong gulang. Kris Jose