1.1M AstraZeneca dose mula Japan tinanggap na ng Pinas

1.1M AstraZeneca dose mula Japan tinanggap na ng Pinas

July 9, 2021 @ 7:22 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Dumating na sa Pilipinas ang donasyong 1,124,100 dose ng AstraZeneca vaccines mula sa Japan, kagabi sa Villamor Air Base.

Personal naman itong sinaksihan nila Pangulong Rodrigo Duterte, Japanese embassy officials, National Task Force (NTF) Against COVID-19, at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) executives.

Nagpasalamat din si Pangulong Duterte sa Japan at nagsabing makatutulong ang mga bakunang ibinigay upang makamit ang herd immunity.

Nangako naman si Japan’s Economic Minister Masahiro Nakata na patuloy silan aagapay sa laban ng Pilipinas sa COVID-19. RNT/FGDC