1.1M trabaho laan ng IT-BPM firms sa bansa

1.1M trabaho laan ng IT-BPM firms sa bansa

September 28, 2022 @ 5:59 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inaasahan makapagbibigay ng nasa 1.1 milyon trabaho ang sektor ng information technology – business process management (IT-BPM) sa mga susunod na taon.

Ito ay ayon sa IT and Business Process Association of the Philippines (IBPAP) kung saan maliban sa trabaho ay inaasahan rin na dodoble ang kita ng IT-BPM sector sa 2028 sa annual revenue estimate ng $59 bilyon.

54% o higit sa kalahati ng mga trabaho ay mailalagay sa mga probinsya na magiging dahilan rin ng pagbibigay ng 3-milyon indirect jobs sa sektor ng retail, hospitality, infrastructure at real estate.

“The growth of the industry is a goal that we must all work toward as a collective, even as external and internal factors shape the opportunity landscape,” ani IBPAP president at chief executive officer Jack Madrid sa isang statement.

“These include the global economy, overall demand for IT-BPM services, the adoption of hybrid work models, infrastructure development, supply of skilled talent, and favorable government policies,” dagdag pa niya. RNT/JGC