1.2K indibidwal apektado ng LPA

1.2K indibidwal apektado ng LPA

October 13, 2022 @ 7:26 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa 430 pamilya o 1,207 indibidwal sa Cagayan ang apektado ng dating Tropical Depression Maymay na ngayon ay isang low pressure area na lamang.

Sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), walong munisipalidad sa probinsya ang nakaranas ng matinding pagbaha dulot ng malakas na ulan.

Nasa 11 pamilya ang pansamantalang lumikas sa Pamplona, apat mula sa Lal-lo at siyam naman ang sinagip sa pamamagitan ng preemptive evacuation sa bayan ng Camalaniugan.

“Itong areas na ito ay nababaha dahil sa kanilang location ay mababa at mayroon tayong coastal municipalities na binabantayan din,” ani Office of Civil Defense Region 1 (OCD-1) Information Officer Michael Conag.

Sa huling bulletin ng PAGASA, dahil sa paghina ng tropical depression Maymay na naging isang LPA na lamang, wala nang nakataas na banta ng bagyo sa alinmang probinsya sa bansa. RNT/JGC