1.2M deboto nakiisa sa Pista ng Itim na Nazareno

1.2M deboto nakiisa sa Pista ng Itim na Nazareno

January 10, 2023 @ 8:51 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Mahigit isang milyon mga deboto na nagtungo sa Quiapo church at Quirino Grandstand sa limang araw na aktibidad para sa Pista ng Poong Itim na Nazareno.

Ayon ito ay bagong inilabas na crowd estimate ng Quiapo Church Operation Center kung saan kabuuang 1,268,435 ang mga nagtungo para dumalo ng mga aktibidad.

Sa Quaipo church lamang ay umabot sa 925,782 mula Biyernes, Enero 6 hanggang ngayong Martes, Enero 10.

Sa Qurino Grandstand naman ay 254,653 katao o deboto ang nagtungo roon para sa Pagpupugay sa imahe.

Habang sa Walk of Faith noong madaling araw ng Linggo, Enero 8 ay nakiisa naman ang 88,000 deboto.

“We have indeed gotten to our target crowd of 2 million (far from the five million total projected  during the pre-pandemic Traslacion , but double the number during the pandemic Traslacion 2021)”, sabi ni Fr. Earl Valdez, ang attached priest ng Quiapo Church.

Sa kabuuang pagdiriwang , maituturing ng Simbahan at kapulisan na naging matagumpay ang ilang araw na aktibidad at walang anumang iniulat o naitalang anumang hindi kanais-nais na pangyayari. Jocelyn Tabangcura-Domenden