1.33M studes libreng nakapag-aral sa kolehiyo noong 2019

1.33M studes libreng nakapag-aral sa kolehiyo noong 2019

September 16, 2020 @ 5:05 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tinatayang nasa 1.33 milyong estudyante ng kolehiyo at unibersidad sa bansa  ang libreng nakapag-aral noong 2019 sa ilalim ng free higher education law, batay sa Commission on Higher Education.

Ayon kay CHED chairperson Prospero de Vera, mas malaki ito kumpara sa 1.18 milyong estudyante noong 2018.

Naitala rin ng CHED ang dagsa sa benepisyaryo ng Tertiary Education Scholarship, mula sa 288,000 noong 2018 hanggang 557,000 nitong 2019.

“The issue of access in the assessment of the commission has improved in terms of the students that are benefiting,” lahad pa ni De Vera. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...