1.35M COVID-19 cases sa 24 oras naitala sa US

1.35M COVID-19 cases sa 24 oras naitala sa US

January 12, 2022 @ 9:58 AM 7 months ago


US – Nakapagtala ang Estados ng Amerika ng 1.35 milyong bagong coronavirus infections nitong Lunes, ayon sa Reuters tally.

Ito na ang pinakamataas na arawang bagong kaso ng COVID-19 na naitatala ng isang bansa sa buong mundo sa loob lang ng isang araw.

Matatandaang naunang naitala rin sa US ang 1.03 milyon na COVID cases noong Enero 3.

Maging ang naitatalang hospitalization rate ay dumoble sa loob ng tatlong linggo.

Giit ng mga eksperto, hindi pa nagpapakita ng senyales na bumabagal ang hawaan ng Omicron variant sa US.

Kahit na sinasabing hindi ganoon kadelikado ang Omicron variant, ibinabala naman ng mga eksperto ang bilang ng dami ng pasyenteng naoospital. RNT