1.37M menor-de-edad nagtrabaho noong  2021 – PSA

1.37M menor-de-edad nagtrabaho noong  2021 – PSA

March 10, 2023 @ 8:38 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Tinatayang umabot sa 1.37 milyong kabataan na may edad na  lima hanggang 17 ang nagtrabaho noong 2021.

Makikita sa pinakabagong  data ukol sa child labor ng Philippine Statistics Authority (PSA) na  sa 31.64 milyong kabataan na may edad na lima hanggang  17 noong  2021,  4.3% ng nasabing populasyon ang nagtrabaho noong nasabing taon.

Sinabi ng PSA na mas mataas ito kumpara sa proporsyon ng working children  na may edad na lima hanggang 17 noong  2019  na may 3.4% at 2020  na may 2.8%.

Makikita rin sa data na mas maraming kabataang lalaki ang nagtrabaho kumpara sa mga kabataang babae.

Mula sa 1.37 milyong  working children noong 2021, 858,000 o 62.8% ang kabataang lalaki habang 508,000 o 37.2% naman ang mga kabataang babae.

“More than 65% of the working children were boys in 2019 and 2020,” ayon sa PSA.

Makikita rin sa  data  na ang agriculture sector ang palagiang nakapagtatala ng highest proportion ng working children sa loob ng tatlong taon,  nakapagtala ng 45.7% noong 2021, 47.4% noong 2020, at 44% noong 2019.

Sinundan ito ng serbisyo na sinasabing 45.4% ng kabuuang bilang ng working children noong 2021.

Nagtrabaho ng  20 oras o mas kaunti kada linggo.

“At least 55.9% were reported to have worked 20 hours or less per week in 2021,” ayon sa PSA sabay sabing, “This was higher than the proportion of children who worked 20 hours or less per week in 2020 with 53% but lower than the proportion reported in 2019 with 69.6%.”

Gayunman, sinabi pa ng PSA na “children who worked for 21 to 40 hours increased to 27.6% in 2021 from 26.7% in 2020.”

Samantala, ang Northern Mindanao ang nakapagtala ng  highest proportion ng working children na may  12.5% noong 2021, sinundan ng Caraga region na may 11.1% at Soccsksargen na may 7.4% noong  2021.

Sinabi pa ng PSA na ang kabuuang bilang ng working children ay kinokonsiderang may kaugnayan sa child labor ay tinatayang 935,000 noong  2021,  mas mataas noong 2020 na mayroong  597,000 at 2019 na mayroong  640,000. Kris Jose