1.3K pamilya apektado sa bagyong Florita – NDRRMC

1.3K pamilya apektado sa bagyong Florita – NDRRMC

August 24, 2022 @ 1:28 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Halos 1,344 pamilya ang lumikas dahil sa Severe Tropical Storm Florita, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Miyerkules.

Batay sa pinakabagong situation report, inihayag ng ahensya na ang katumbas ito ng 4,646 indibidwal mula sa 60 barangay sa Ilocos, Cagayan Valley, at Cordillera regions.

Binanggit din ng NDRRMC na halos 956 pamilya ang nananatili sa 19 evacuation centers habang ang natitira ay nakikipanuluyan sa mga kaanak at kaibigan.

Iniulat din nito na 290 pamilya o 1,013 indibidwal mula sa Ilocos at Cordillera ang inilikas.

Papalo naman saP915,176.05 halaga ng food at non-food assistance ang ibinigay sa mga lugar na apektado ng bagyo Ilocos, Bicol, at Cordillera. RNT/SA