1.3M residente nabakunahan vs COVID-19 sa Ilocos

1.3M residente nabakunahan vs COVID-19 sa Ilocos

October 3, 2022 @ 4:24 PM 2 months ago


ILOCOS – Hindi bababa sa 1.3 milyong residente sa Ilocos ang nakatanggap ng isang COVID-19 booster shot, sinabi ng Department of Health (DOH) – Ilocos region.

Sinabi ng DOH na 229,562 residente ang nakatanggap ng pangalawang booster shot sa mga kwalipikadong indibidwal na may unang shot.

Kailangang magbakuna ang rehiyon ng 745,137 katao upang maabot ang kalahati ng target nitong isang booster shot.

Sinabi ng DOH na ang rehiyon ay mayroong 3,814,343 katao na ganap na nabakunahan, o 88 porsiyento ng 4.3 milyong target.

Nakapagbakuna ang ahensya ng 84 porsiyento ng 501,418 target na matatanda.

Samantala, nito lamang paglulunsad ng Bakunahang Bayan PinasLakas Special Vaccination Days sa Ilocos Norte College of Arts and Trades (INCAT), kabuuang 2,088 indibidwal edad 12 pataas ang nabakunahan.

Pinangunahan ang aktibidad ng Provincial Health Office kasama ang Provincial DOH Office Ilocos Norte, Philippine Red Cross at ibat-ibang medical societies at volunteer organizations ng probinsya.

Ayon kay Regional Director Paula Paz M. Sydiongco kabuuang 1,464 na kwalipikadong indibidwal ang nakatanggap ng kanilang pangunahin at booster shot sa panahon ng aktibidad.

“We have also provided second booster shots to 541 senior citizens, and vaccinated 29 individuals for their first dose and 54 for their second dose,” sabi ni Sydiongco. Jocelyn Tabangcura-Domenden