1.5 million nag-apply sa Qatar ng World Cup pass

1.5 million nag-apply sa Qatar ng World Cup pass

October 17, 2022 @ 7:23 AM 2 months ago


DOHA — Isiniwalat ng Qatar na aabot sa mahigit 1.5 milyong tao ang nag-apply para sa compulsory pass sa football World Cup, na magsisimula sa Nobyembre 20.

Ayon kay Saad Al-Suwaidi, pinuno ng Hayya pass service, nasa pagitan ng 1.5 milyon at 1.7 milyong tao ang nag-aplay sa ngayon para sa card, na nagsisilbing visa, match ticket, transport ticket at nagbibigay ng access sa ilang fan zone.

Obligado ang lahat ng manlalakbay sa Qatar na magkaroon ng pass para makapasok mula Nobyembre 1, may balak man silang manood ng laro o hindi.

Sinabi ng Qatar na inaasahan nito ang higit sa isang milyong dayuhang bisita, gayundin ang daan-daang libong domestic fans.

Kailangang mag-apply ang mga internasyonal na tagasuporta para sa pass pagkatapos bumili ng mga tiket at makakuha ng tirahan.

Naghahanda ang dalawang internasyonal na paliparan ng Doha na humawak ng 150,000 entries sa isang araw, ayon sa mga opisyal.

Dapat sumakay ng bus papuntang Doha o magbayad ng $1,375 ang mga tumatawid by land mula sa Saudi Arabia upang magmaneho ng kanilang sariling sasakyan.

Ayon sa organizers,  ang mga opisyal ng hangganan sa pagtawid sa lupa ng Abu Samra ay makakapagproseso ng 4,000 katao bawat oras.JC