1.5B inactive Twitter accounts, tatanggalin – Elon Musk

1.5B inactive Twitter accounts, tatanggalin – Elon Musk

December 10, 2022 @ 5:00 PM 2 months ago


ISTANBUL – Hindi bababa sa 1.5 bilyong inactive Twitter accounts ang malapit nang tanggalin, ayon kay Elon Musk, bagong may-ari at CEO ng social media giant nitong Biyernes.

“Twitter will soon start freeing the namespace of 1.5 billion accounts,” tweet ni Musk. “These are obvious account deletions with no tweets & no log in for years.”

Ito ay kasunod ng kumpirmasyon ni Musk noong Nobyembre na aalisin niya ang accounts na hindi aktibo sa nakalipas na 15 taon nang aniya: “Please note that Twitter will do lots of dumb things in coming months. We will keep what works & change what doesn’t.” noong Nobyembre 9.

Sinang-ayunan din niya ang post noong Oktubre kung saan iminungkahi na burahin ang kapag hindi na ito aktibo sa loob ng mahigit isang taon.

Noong Nov. 30, inumpisahan ng social media giant ang pagtanggal sa spam accounts – isang isyu na itinulak niya bago bilihin ang Twitter sa halagang $44 billion noong katapusan ng Oktubre.

Ang average monetizable daily active usage ng Twitter ay 237.8 million noong second quarter, mas mataas ng 16.6% kumpara sa parehong period noong nakaraang taon, ayon sa ayon sa financial results statement na inilabas noong Hulyo 2022.

“The increase was driven by ongoing product improvements and global conversation around current events,” saad sa pahayag.

Mula nang pamunuan ang Twitter, ilang kontrobersyal na pagbabago na ang ikinasa ni Musk para sa social media company, mula sa pagwawakas ng remote work para sa staff hanggang sa pagtapyas sa kalahati ng workforce nito. RNT/SA