1.5M dose ng 2M AstraZeneca ilalaan para sa 2nd dose – NTF

1.5M dose ng 2M AstraZeneca ilalaan para sa 2nd dose – NTF

July 11, 2021 @ 10:46 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Karamihan sa dalawang milyong dose ng AstraZeneca vaccine na dumating nitong Biyernes ay ilalaan bilang ikalawang dose, ayon sa National Task Force against COVID-19.

“From the 2,028,000 doses of AstraZeneca vaccines, 1.5 million will be set aside as the second shot for individuals who got their first in May and June,” saad ni NTF chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr.

Ang natitirang kalahating milyon dose ay ilalaan naman para sa A2 at A3 category sa mga matataong rehiyon.

Ang suplay na dumating sa bansa ay mula sa COVAX facility kaya’t prayoridad mabigyan nito ang mga health worker, senior citizen, persons with comorbidities, at mga nasa “vulnerable communities.”

Tinatayang mahigit sa 20 milyon na ang suplay ng COVID-19 vaccine na ang dumating sa bansa mula sa iba’t ibang manufacturer.

Sa huling datos, pumalo na sa 12.4 milyong dose ang naiturok sa bansa. RNT/ELM