1.5M target voter registrants, naabot ng Comelec

1.5M target voter registrants, naabot ng Comelec

January 24, 2023 @ 1:42 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na nakamit na nito ang target na hindi bababa sa 1.5 milyong botante na nagparehistro isang linggo bago ang dedaline ng voter registration.

Base sa huling datos noong Enero 22, sinabi ng Comelec na kabuuang 1,537,872 aplikante ang naghain sa lahat ng registration sites kaugnay sa Barangay at Sangguniang Kabataang Elections (BSKE).

Sa naunang projecton ng Comelec, mahigit 1.5 milyon hanggang 2 milyon aplikante ang magpaparehistro sa panahon na nagsimula noong Disyembre 12,2022 at tatakbo hanggang Enero 31, 2023.

Ang bilang ng bagong registrants ay kabilang ang 442,330 botante na edad 15 hanggang 17 taong gulang; 397,323 botante na edad 18 hanggang 30; at 86,818 botante na edad 31 taong gulang pataas.

Sa kabilang banda, kabuuang 7,555 aplikante ang naghain sa Register Anywhere Project (RAP) booths sa mga malls, universities at government offices.

Ang bilang naman ng nag-aplay para sa transfer mula sa ibang lungsod/munisipalidad ay 4,525 habang 2,167 ang nag-aplay para sa transfer sa parehong lungsod/munisipalidad sa mga SK applicants.

Mayroon ding 59,203 na naghahangad na muling buhayin ang kanilang rehistrasyon, at 16,019 na humingi ng reactivation na may pagwawasto ng mga entry.

May kabuuang 72,067 ang nag-apply para sa pagwawasto ng mga entry; 93 para sa pagsasama ng talaan sa aklat ng mga botante; at 35 para sa muling pagbabalik ng pangalan sa listahan ng mga botante.

Para sa barangay voter applicants, mayroong 325,999 na nag-aplay para sa transfer mula sa ibang lungsod/muisipyo/ habang 82,513 ang nag-aplay para sa transfer sa parehong lungsod/munisipyo.

Kabuuang 14,092 naman ang humiling para sa transfer na may reactivation;
4,853 ang nagpapalipat na may reactivation at correction ng entries; at 16,718 na nag-aplay para sa transfer na may correction ng entries.

Mayroon ding 6,137 aplikante bna nag-aplay para sa transfer mula sa pagiging overseass voter sa local voter. Jocelyn Tabangcura-Domenden