1.6K bagong kaso ng COVID naitala

1.6K bagong kaso ng COVID naitala

October 13, 2022 @ 8:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ang Pilipinas ay nakapagtala nitong Miyerkules, Oktubre 12 ng 1,623 na bagong kaso ng COVID-19 na nagdala sa kabuuang 3,973,091 base sa datos ng Department of Health o DOH.

Umabot naman sa 3,885,445 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Mayroon naman 34 ang naitalang bagong nasawi sa COVID-19 kung kaya’t tumaas ang total fatality count sa 63,363.

Ang aktibong kaso ng sakit sa kasalukuyan ay nasa 24,283 na pinakamababa mula noong Setybrembre 14.

Sa naitalang kaso, 581 ay mula sa Metro Manila.

Mula Oktubre 3 hanggang 9, may average na 2,048 araw-araw na impeksyon ang naitala sa bansa, na 10% mas mababa kumpara noong nakaraang linggo.

Sa mga bagong impeksyon sa nasabing panahon, lima o 0.04% ang malubha at kritikal.

Nitong Linggo, 669 o 9.2% ng COVID-19 admissions ang nasa malubha at kritikal na kondisyon, sinabi ng DOH.

Mahigit 73.3 milyong katao naman sa bansa ang ganap nang nabakunahan laban sa COVID-19 noong Oktubre 10.

Sa bilang, mahigit 20.1 milyon ang nakatanggap ng kanilang unang booster dose habang higit sa 3 milyon ang nakakuha ng kanilang pangalawang booster shot. Jocelyn Tabangcura-Domenden