1, 761 stranded kay #DantePH

1, 761 stranded kay #DantePH

June 1, 2021 @ 6:04 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Nasa 1,761 mga pasahero,drivers, cargo helpers na ang stranded  sa eastern Visayas, Central Visayas, Southern Tagalog, Northeastern Mindanao at Bicol regions  dahil sa bagyong Dante.

Kasama rin sa stranded ang 44 barko, isang motorbanca at 587 rolling cargoes.

Bukod ditto, mayroon ding 37 barko at 57 motorbancas ang nakasilong  sa ligtas na lugar dahil sa banta ng bagyo.

24/7 namang nakamonitor ang PCG Command Center upang mahigpit na ipatupad ang paggalaw ng mga sasakyang pandagat sa panahon na masama ang panahon.

Ipinakalat na rin ang mga response groups ng PCG  sa mga apektadong  lugar para sa posibleng paglikas o rescue operations  sa koordinasyon ng kani-kanilang local government units. Jocelyn Tabangcura-Domenden