1.7M trabaho kada taon, maibibigay ng housing projects

1.7M trabaho kada taon, maibibigay ng housing projects

October 16, 2022 @ 2:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines -Inaasahang makapagbibigay ng nasa 1.7 milyon trabaho kada taon ang agresibong pagsusulong sa pabahay ng pamahalaan.

Ito ang sinabi ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) nitong Linggo, Oktubre 16.

Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, ang nasabing bilang ay batay sa pag-aaral na mangangailangan ng nasa walong manggagawa ang kakailanganin sa konstruksyon ng isang housing unit.

Kaugnay nito, nasa isang milyong housing units bawat taon ang target ng DHSUD.

“Other than the increase of cash flow in the housing sector market, the housing program will also provide employment to many jobless Filipinos. It is projected to have direct and indirect jobs in the sector especially in areas where mid-rise to high-rise units will be built,” sinabi ni Acuzar.

“The significant number of jobs is seen to contribute in the administration’s post-pandemic recovery efforts and in furtherance of the 8-point economic agenda of the Marcos administration,” dagdag pa niya.

Magandang tugon ito sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority nitong Agosto na mayroong 2.68 milyon Filipino ang walang trabaho. RNT/JGC