1.8 toneladang liquid shabu nasakote sa Hong Kong ng Aussie police

1.8 toneladang liquid shabu nasakote sa Hong Kong ng Aussie police

October 31, 2022 @ 7:00 AM 1 month ago


HONG KONG – Napigilan ng Australian Federal Police, Australian Border Force at Hong Kong Customs Excise ang pagpapadala sana ng mga sindikato ng droga ng 1.8 toneladang liquid shabu sa Australia.

Sinabi ng Australian police na nagkakahalaga ng $1 bilyong ang halaga ng shabu na inilagay sa mga plastic bottle at carton na para sa coconut water bilang sisidlan.

Tinatawag na ICE dahil parang salamin ang mga puti na kristal na bumubuo ng mga ito , nakahanda nang ipadala ang droga sa New South Wales na may pinakaraming tao sa buong Australia nang harangin ito.

Napag-alamang hindi madaling makilala ang ganitong uri ng shabu na itinuturing na first class subalit nakagawa na ang mga awtoridad ng Mexico at Australia ng paraan para makilala ito at naging matagumpay sa pagtunton dito sa Hong Kong.

Posible umanong makaabot sa 18 milyong tao ang makagagamit nito. RNT