1.8M kabataan target mabigyan ng MR vaccine – DOH

1.8M kabataan target mabigyan ng MR vaccine – DOH

October 16, 2020 @ 4:28 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Target ng Department of Health (DOH) na mabigyan ng MR o measles rubella vaccine sa isasagawang immunization program sa ilang rehiyon sa bansa ang nasa 1,835 milyong kabataan sa October 26 hanggang November 25.

Ayon sa DOH, ang MR-OPV (measles rubella-oral polio vaccine) ay isasagawa sa rehiyon ng CAR, Ilocos, Cagayan, Calabarzon, Bicol at lahat ng rehiyon sa Mindanao.

Habang 1,770 milyong kabataan naman ang target na mabigyan ng oral polio vaccine o OPV.

Ang mabibigyan ng MR vaccine ay mga batang edad 9-59 months old at sa polio vaccine naman ay 0-59 months old.

Kaugnay ng nasabing kampanya, isinasapinal na lamang umano ng DOH sa logistic requirement ay ang set ng mga ligtas at libreng bakuna, syringes, safety collector boxes at reporting at recording forms at ito ay kasado na.

Hindi naman na kailangan ng professional personnel para sa immunization ng oral polio vaccine dahil ipapatak lamang ito sa bibig ng bata habang sa  measles rubella ay kailangang may kaalaman sa pagtuturok.

Tiniyak din ng DOH na masusunod ang health protocol habang isinasagawa ang immunization campaign.

Nakasuot din ng face mask at face shields ang mga vaccine team upang matiyak na ligtas at maiwasan ang pagkalat ng virus.

Gagawin ito house to house sa immunization campaign ngunit maaari rin umanong gawin ito sa barangay hall o ‘di kaya ay sa covered court. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...