1.8M naturukan sa Bayanihan, Bakunahan 3

1.8M naturukan sa Bayanihan, Bakunahan 3

February 16, 2022 @ 11:51 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Health (DOH) nitong Martes na nabakunahan na ng Pilipinas ang mahigit 1.8 milyong indibidwal laban sa COVID-19 sa ikatlong yugto ng programang “Bayanihan, Bakunahan”.

Sa bilang na ito, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 337,717 ang nabigyan ng unang dose habang 758,582 ang binigyan ng ikalawang dose.

May kabuuang 126,062 indibidwal ang nakatanggap ng single-shot na bakuna.

Dagdag pa ni Vergeire na 655,914 indibdiwal naman ang nabigyan ng booster shots.

“Umaasa po tayo na maabot natin ang target na mabakunahan ang 5 milyong Pilipino sa programang ito,” ani Vergeire sa briefing.

Ang Bayanihan, Bakunahan III ay pinalawig hanggang Pebrero 18.

Hindi bababa sa 60 milyong Pilipino ang ganap na nabakunahan laban sa coronavirus. RNT