1-anyos sanggol na positibo sa COVID-19 sa OrMin, bumubuti na ang kondisyon: Gov

1-anyos sanggol na positibo sa COVID-19 sa OrMin, bumubuti na ang kondisyon: Gov

April 2, 2020 @ 2:46 PM 8 months ago

  •  
  •  
  •  

OrMin – Anumang oras ay pwede nang makalabas ng hospital ang isang tang gulang na sanggol na nagpositibo sa coronavirus disease sa Oriental Mindoro, at hindi na rin umano ito nagpapakita ng anumang sintomas ng sakit, ayon kay Governor Humerlito “Bonz” Dolor ngayong Huwebes, Abril 2.

 

“Mayroon po kaming isang bata na one year and nine months. Nag-iisa po siya. Awa po ng Diyos, at this moment, ready na po siyang i-discharge anytime,” ani Dolor sa Laging Handa press briefing.

 

Sa kabila nito para makasigurado ay humiling na ng isa pang test si Dolor sa RITM para malinawan sa kondisyon ng batang mula sa Barangay Ilaya sa Calapan.

 

“Nagrequest na po kami sa RITM (Research Institute for Tropical Medicine) ng panibagong test sa kaniya para makita kung nag-negative na ang bata sapagkat ang bata ay ‘di na po nagpapakita ng kahit anong sintomas ng COVID-19.”

 

SAMANTALA, siniguro naman ni Dolor na makatatanggap ng food assistance mula sa lokal na gobyerno ang nasa higit kumulang 200,000 pamilya sa probinsya.

Ipinagmalaki rin ni Dolor na sapat ang suplay nila ng bigas at maari pa nga silang makapag-export ng bigas sa ibang parte ng bansa.

 

“Maaari pong mag-export ng bigas ang Oriental Mindoro papunta sa Kamaynilaan at papunta sa Luzon at Visayas. Inassure namin ang mga mamamayan namin ang basic commodities ay tatagal pa ng two weeks to month,” anang gobernador. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...