1 bayan, 19 barangay sa Zambo del Norte drug-cleared na!

1 bayan, 19 barangay sa Zambo del Norte drug-cleared na!

December 17, 2022 @ 4:00 PM 2 months ago


ZAMBOANGA CITY- Idineklara ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug-Clearing (ROCBDC) ang isang munisipalidad at 19 barangay Zamboanga del Norte na drug-cleared matapos ang deliberasyon sa Plenary Hall, Convention Center sa Dipolog City, Zamboanga del Norte nitong Huwebes.

Ang Jose Dalman ang unang munisipalidad sa Zamboanga Peninsula na opisyal na idineklarang drug-cleared matapos ang pagsisiyasat at deliberasyon ng board.

Kabilang naman sa mga barangay sa Zamboanga del Norte na itinuturing na ring drug-cleared ang Santa Isabel sa Dipolog City; Alegria, Malinao, Mamawan, at Tamao sa Baliguian; Canupong, San Juan, at Sibalic sa Gutalac; Nanginan, New Tambo, at Singatong sa Katipunan; Poblacion sa La Libertad; Compra at Communal sa Liloy; Disakan, San Antonio, at Upper Disakan sa Manukan; at Culaguan at Dinolan sa Sibuco.

Nakapasa ang local government units ang ilang rekisitos upang mapasama sa listahan, kabilang ang proper validation, surveillance drug tests para sa randomly selected rehabilitated drug reformists, implementasyon ng local laws sa anti-drugs, at pagtatatag ng Bahay Silangan.

Iginiit ni Emerson Margate, PDEA-9 director at chairperson ng ROCBDC, ang commitment of ng administrasyon ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. sa patuloy na paglaban sa iligal na droga.

Ang validation at deliberasyon ng regional committee ay kahanay ng kanilang compliance sa Dangerous Drugs Board Regulation No. 4, Series of 2021. RNT/SA