1 lalaking nanlaban sa pulis, bulagta sa Parañaque

1 lalaking nanlaban sa pulis, bulagta sa Parañaque

June 17, 2018 @ 2:09 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Bulagta ang isang lalaking tulak umano ng droga matapos itong manlaban sa mga pulis sa isinagawang “buy-bust operation” sa Brgy. San Dionisio, Parañaque City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Boy Tattoo” na dead on the spot sa isinagawang opearasyon.

Ayon sa mga pulis, nagsagawa sila ng operasyon bandang alas singko ng umaga.

Nakatunog umano ang suspek na pulis ang kaniyang katransaksyon kaya’t nagmadali itong tumakas sakay ng kaniyang bisikleta.

Nagpaputok ang suspek habang hinahabol siya ng pulis kaya’t gumanti ang mga operatiba na nagresulta ng pagkamatay ng suspek.

Nakalap sa pinangyarihan ng krimen ang isang baril at ang bisikleta ng suspek.