1 lugar sa NCR naka-granular lockdown — PNP

1 lugar sa NCR naka-granular lockdown — PNP

December 10, 2021 @ 12:11 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na isang lugar na lamang sa National Capital Region ang naka-granular lockdown sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa datos ng PNP, na-lockdown ang residential building na may 22 indibidwal sa Quezon City.

Idineploy naman na ng PNP ang apat na tauhan at apat na four force multiplier sa naturang lugar upang matiyak ang seguridad at pagsunod sa minimum health standards.

Sa naturang setup, may awtoridad ang local government units (LGUs) na magpatupad at mag-alis ng lockdown. RNT/FGDC