1 lungsod, 3 bayan sa Isabela nasa election hotspots

1 lungsod, 3 bayan sa Isabela nasa election hotspots

April 4, 2022 @ 10:37 AM 3 months ago


ISABELA- Masusing binabantayan ngayon ng kapulisan ang isang lungsod at tatlong bayan dito sa lalawigan ng Isabela matapos na ideklara ng Comelec na hotspot.

Batay sa datos na ipinasakamay ng Comelec sa Isabela Police Provincial Office o IPPO ay mula sa Lungsod ng Ilagan, San Guillermo, San Mariano at Jones ang apat na nasa category red (Election Ares with Grave Concern) o hotspot.

Matandaan noong nakaraang eleksyon ay sinunog ang ilan election parapernalya kung saan ay na-delay ang pagbilang ng mga boto.

Sa panayam ng REMATE kay PLt. Abner Accad, OIC ng Jones Police Station ay mahigpit na ang kanilang pagbabantay at isinasagawang comelc checkpoint sa lahat ng boundery ng nasabing bayan.

Apat na bayan din na nasa category orange (Election Areas with Immediate Concern) ay kinabibilangan ng Burgos Maconacon, Mallig at San Pablo.

Kung saan ang bayan ng San Pablo ay nirekomenda ng Regional Headquarter o PRO2 kung saan napabilang dito dahil sa insidente ng shooting incident na ikinasawi ng isang barangay kagawad at ikinasugat ng barangay kapitan habang kasagsagan ng sayawan sa isang kasalan.

Habang ang nasa category yellow (Election Areas of Concern) ay dalawamput walong bayan na kinabibilangan ng Alicia, Angadanan, Aurora, Benito Soliven, Cabagan, Cabatuan, Cauayan City, Cordon, Delfin Albano, Dinapigue, Divilacan, Echague, Gamu, Luna, Naguillan, Palanan, Quezon, Quirino, Ramon, Reina Mercedes, Roxas, San Agustin, San Isidro, San Manuel, San Mateo, Sta Maria, Sto Tomas at Tumauini.

Sa category green (Election Areas with no Security Concern) ay walang naitalang bayan.

Ayon kay PCol. Julio Go, Provincial Director ng IPPO ay mahigpit ang isinasagawang pagbabantay sa bawat bayan lalo sa mga idineklara ng Comelec na hotspot.

Dahil dito, pinasalamatan nito ang mga lokal na kandidato dahil sa mahinahon at walang naitatalang karumal-dumal na insidente habang patuloy ang kanilang pangangampanya sa kani-kanilang lugar. Rey Velasco