Manila, Philippines – Kumikilos na ngayon ang Department of Agriculture (DA) upang sagipin ang pagkaubos ng tawilis na itinuturing na ngayong endangered species.
Kabilang sa pinag-aaralang ipatupad ng DA ay ang paglalagay sa fishing enclosure sa mga isdang tawilis at ang pagkakaroon ng tawilis reserve.
Maliban sa tawilis, bumababa na rin ang produksiyon ng isdang galungong dahilan para magmahal ito sa merkado.
Tinatayang, 60 porsyento na lamang ang dami ng nahuhuling galunggong nuong nakaraang taon kumpara sa mga nahuli nuong nakalipas na panahon.
May mga ipinatupad nang paraan ang DA para mapigilan ito tulad ng fishing ban sa panghuhuli ng galunggong sa itinakdang mga buwan upang bigyang daan ang panahon ng kanilang pagpaparami./Kris Jose