1 pang opisyal ng BOC binaril

1 pang opisyal ng BOC binaril

January 15, 2022 @ 12:15 PM 4 days ago


Manila, Philippines – Pinagbabaril ang isa na namang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) ng  hindi pa nakikilang salarin kagabi sa Maynila.

Kinilala ang biktima na si Ryan Difunturom, BOC Principal Examiner, Section 2, Port of Manila.

Sa inisyal na ulat, alas 7:30 kagabi nang mangyari ang pamamaril sa biktima habang patungo umano ito sa kanyang mga anak sa San Tras Condominium malapit sa Dangwa. St., sa Maynila.

Kasalukuyan naman itong ginagamot sa Manila Doctors Hospital.

Wala pa rin itong kamag-anak na bumibisita sa ospital kaya hindi pa malaman kung may kinalaman din sa kanyang trabaho ang motibo sa pamamaril.

Kamakailan ay isa ring opisyal ng BOC ang tinambangan din sa Binondo, Maynila habang sakay ng kanyang Toyota Innova.

Masusi namang iniimbestigahan ngayon ng MPD ang sunod-sunod na pamamaril sa mga tauhan ng BOC. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)