1 pang pulis patay sa COVID; 143 bagong kaso naitala

1 pang pulis patay sa COVID; 143 bagong kaso naitala

June 2, 2021 @ 11:12 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Pumanaw ang isa pang pulis dahil sa COVID-19, batay sa Philippine National Police (PNP) kasabay ng 143 pang bagong kaso sa kanilang hanay.

Sa Public Information Office ng PNP, tinukoy na ito ay 47-anyos na Police Executive Master Sergeant mula sa Tagum City, Davao del Norte na pumanaw noong Lunes, Mayo 31.

Ito naman ang ika-67 na nasawi sa virus habang ang kabuuang bilang ng kaso  ay sumampa na sa 24,253 buhat nitong Hunyo 2.

Patuloy ring binabantayan ang 1,650 pang aktibong kaso ng COVID at 22,536 nakarekober. RNT/FGDC