1 patay, 1 nawawala sa bagyong Maymay – PDRRMO

1 patay, 1 nawawala sa bagyong Maymay – PDRRMO

October 12, 2022 @ 1:39 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Bago pa tumama sa lupa ang binabantayan bagong Maymay, isang lalaki na kaagad ang naiulat na nasawi samantala isa ang nawawala sa sama ng panahon sa Cagayan.

Ito ang sinabi ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) nitong Miyerkules, Oktubre 12.

Matatandaan inanunsyo ng PAGASA na ang Tropical Depression Maymay ay halos hindi gumagalaw habang nasa Philippine Sea taglay ang napanatiling lakas nito na 45 kilometro kada oras at bugso na 55 kilometro kada oras.

Sa 11 a.m. bulletin ng ahensya, namataan ang sentro ng Tropical Depression Maymay sa layong 310 kilometro silangan-hilagang silangan ng Baler, Aurora at mabagal na kumikilos sa direksyong westward o west southwestward.

Nakataas pa rin ang Signal Number 1 sa mga probinsya ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija at extreme northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta).

Maliban sa nabanggit na bagyo, mayroon din na binabantayan isa pang tropical depression ang PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility. RNT/JGC