1 patay, 1 sugatan sa batong nahulog sa sasakyan

1 patay, 1 sugatan sa batong nahulog sa sasakyan

July 5, 2022 @ 8:49 AM 1 month ago


BENGUET- Dedbol ang 52-anyos na lalaki habang sugatan naman ang isa nitong kasamang pasahero matapos tamaan ng nahulog na malaking bato ang kanilang sasakyan sa Km 53, Cattubo, Atok ng lalawigang ito kahapon.

Ang biktima ay nakilalang si Richardick Cayacay samantalang nakilala naman ang pasaherong sugatan na si Susan Ubongen, 59, may asawa, kapwa residente ng Poblacion, Tadian, Mt. Province.

Nabatid na ang dalawa ay nakasakay sa Tamaraw FX na minamaneho ni Manuel Lictao Ubongen Jr at kasalukuyang tinatahak nila ang kalsada sa naturang lugar nang biglang may mahulog na malaking bato mula sa bundok na tumama sa naturang sasakyan.

Tumama umano doon mismo sa tapat ng passenger seat na kinauupuan ni Cayacay ang nahulog na malaking bato.

Si Cayacay at si Susan ay agad na dinala sa ospital matapos ang insidente.

Gayunman, idineklarang dead-on-arrival si Cayacay habang patuloy naman ginagamot si Susan dahil sa tinamo nitong head inury.

Hindi naman nasaktan ang driver ng sasakyan at ang isa pa nitong pasaherong 15-anyos.

Galing ng Mt. Province ang naturang sasakyan at papunta sila ng La Trinidad nang mangyari ang insidente. Rolando S. Gamoso