1 patay, 1 sugatan sa hit-and-run sa Quezon

1 patay, 1 sugatan sa hit-and-run sa Quezon

December 3, 2022 @ 3:35 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Patay ang babaeng pasahero habang sugatan ang drayber ng motorsiklo sa nangyaring hit-and-run incident madaling araw ng Sabado, Disyembre 3 sa Maharlika Highway, Candelaria, Quezon.

Ayon sa ulat, ang drayber ng motorsiklo ay kinilalang si Margeon Maghirang, 30-anyos habang ang angkas nito na babae ay hindi pa nakikilala.

Habang binabagtas ang highway na sakop ng Barangay Mangilag Sur ng nasabing bayan, ala-2:30 ng madaling araw ay nabangga ang mga ito ng isang sasakyan na agad ding tumakas.

Nagtamo ng pinsala sa katawan ang dalawang biktima, na napag-alaman na hindi pala nakasuot ng helmet.

Nagpapatuloy na ang imbestigasyon sa nangyaring insidente. RNT/JGC