1 patay, 2 nawawala sa Caraga kay #AuringPH

1 patay, 2 nawawala sa Caraga kay #AuringPH

February 23, 2021 @ 12:21 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nag-iwan ng isang patay at dalawang nawawala si Tropical Storm Auring sa rehiyon ng Caraga ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sa kasalukuyan, wala pang buong detalye na nilalabas ang NDRRMC ukol sa nasawi sa Caraga.

Samantala, humina na si Auring at ngayo’y ibinaba na sa low pressure.

Nagdala ng malalakas na ulan at hangin si Auring na nagpabaha at sumira ng mga kabahayan sa ilang mga lugar sa Visayas at Mindanao.

Batay sa tala, 31,884 pamilya ang apektado sa nagdaang sama ng panahon kung saan 31,292 rito ay mula sa Caraga.

Sa bilang na ito, 18,996 ang lumikas, 13,744 ay mula sa nasabing rehiyon.

Nakatakdang bumisita si Pangulong Duterte sa Caraga ngayong araw. RNT/ELM


  •  
  •  
  •