1 patay, 27 sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa Rizal

1 patay, 27 sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa Rizal

February 19, 2023 @ 3:49 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang motorcycle rider at 27 pasahero ng jeepneyu sa magkahiwalay na aksidente sa Rizal nitong Sabado, Pebrero 18 at Linggo, Pebrero 19.

Sa ulat ng Police Regional Office 4A, nadulas ang rider na si Gerald Vergara sabay nagulungan ng isang trak na minamaneho ni Raffy Fernandez sa Gen. Luna street sa Barangay (village) Guinayang, San Mateo, madaling araw ng Linggo.

Nagtamo ng matinding pinsala ang rider at namatay habang ginagamot sa Casimiro Ynares Hospital.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng truck.

Samantala, tumagilid naman ang pampasaherong jeepney na minamaneho ni Joel Quinones, sa palusong na bahagi ng Barangay Cupang, Antipolo City nitong Sabado ng gabi.

Sa impormasyon, nawalan ng preno ang jeepney dahilan para maaksidente ito.

Nasa 27 pasahero naman nito ang napaulat na sugatan. RNT/JGC