1 patay, 3 sugatan sa riot sa Bilibid sa gitna ng Oplan Galugad

1 patay, 3 sugatan sa riot sa Bilibid sa gitna ng Oplan Galugad

June 3, 2021 @ 7:27 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang preso habang sugatan naman ang tatlo pa sa sumiklab na gulo sa New Bilibid Prison habang nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga opisyal ng Bureau of Corrections.

Sumiklab ang riot nitong Martes matapos suntukin ng kapwa-preso ang isang matandang preso dahilan upang magkainitan ang mga kasama nito ayon kay BuCor spokesman Assistant Secretary Gabriel Chaclag.

“One was stabbed during our search operations, while others fought in a separate area. Others’ impression was that a riot transpired,” lahad pa ni Chaclag.

Kaagad namang nahuli ang suspek.

Sa operasyon, nakuha ang mahigit 100 pana, halos isang daang bolo at machete, mga hi-tech na cellphone at mga gadget sa maximum security compound.

Habang mga iba pang nakamamatay na gamit ang nakumpiksa sa medium security compound.

Ayon sa opisyal, maaaring dahil sa tigil-dalaw kaya’t naging mainitin ang ulo ng mga preso.

Ipinagbawal ang pagbisita sa mga kulungan sa bansa dahil sa banta ng COVID.

“We depend on the IATF protocols. Even if we allow visits, people are still prohibited to travel. Common sense, we follow the prevailing situation outside,” ani Chaclag. RNT/ELM