1 patay, 4 sugatan sa Skyway steel bar; 6 sasakyan nabagsakan

1 patay, 4 sugatan sa Skyway steel bar; 6 sasakyan nabagsakan

November 21, 2020 @ 11:02 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines (UPDATED) – Patay ang isang indibidwal habang apat ang sugatan indibidwal sa nalaglag na steel bar para sa ginagawang Skyway project fell makaraang malaglag ito sa anim na sasakyan ngayong Sabado ng umaga, Nobyembre 21.

Naganap ito sa bahagi ng East Service Road sa Muntinlupa City, batay sa ulat.

Nalaglagan nito ang tatlong kotse at talong motorsiklo.

“At 8:50 this morning, a crane that was being positioned for its next task tilted and fell on the girder spanning the two posts of the north-bound Skyway extension project,” saad ng EEI Corp., contractor ng Skyway extension project,

“The girder fell on vehicles below, killing at least one and injuring at least four persons who were rushed by ambulances from the Skyway O&M Corp. and EEI to various hospitals.”

Batay kay Erwin Alfonso, head ng Muntinlupa City Disaster Risk Reduction and Management Office, isinugod na sa ospital ang apat na sugatan.

“We are monitoring the progress of the injured and are trying to get in touch with their next of kin for proper coordination and to extend any assistance they may need,” giit pa ng EEI.

 

“Our hearts and prayers go with the affected families. This is an unfortunate and heart-breaking accident that must not happen again. We will review immediately our safety and operating protocols as we build a strategic infrastructure for the public’s convenience.”

Habang nagpadala na ang CDRRMO ng mga kagamitan para tuluyang maayos ang kalsada.

Sa panig naman ni Muntinlupa City Traffic Management Bureau chief Danidon Nolasco, asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko sa East Service Road dahil sa aksidente.

“Totally closed ang East Service Road both northbound and southbound,” ani Nolasco.

“Maaaring dumaan sa West Service Road, Alabang-Zapote Road at Manuel L. Quezon, SLEX (NB) bilang alternatibong road.”

“Kailangan ng mga heavy equipment para maialis ang bumagsak na bahagi ng Skyway,” saad pa nito. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...