1 patay, 43K pamilya apektado sa bagyong Maymay – NDRRMC

1 patay, 43K pamilya apektado sa bagyong Maymay – NDRRMC

October 16, 2022 @ 12:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isa ang kumpirmadong patay samantala 43,000 pamilya ang apektado sa nagdaang Tropical Depression Maymay na matatandaan nanalasa nitong nakaraang linggo.

Ito ay ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Linggo, Oktubre 16, kung saan naitala ito sa Cagayan Valley.

Wala naman naiulat na nawawala o nasaktan dulot ng bagyo sa alinmang bahagi ng bansa.

Sa kaugnay na balita, mayroon naman 43,721 katao o 11,503 pamilya ang apektado ng bagyo mula sa 196 barangay sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region (CAR).

Pinakamarami sa mga ito ang nagmula sa Cagayan Valley sa 41,918 indibidwal samantala 1,803 ang mula sa CAR.

Nagresulta rin ang bagyong Maymay sa 54 na binahang lugar.

Sa kasalukuyan, ang Severe Tropical Storm Neneng naman ang nananalasa sa Hilagang Luzon. RNT/JGC