1 patay kada araw sa COVID sa Valenzuela

1 patay kada araw sa COVID sa Valenzuela

December 12, 2022 @ 2:09 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Isang COVID-19 patient ang namamatay sa Valenzuela City kada araw simula ng pumasok ang Disyembre, ayon sa pinakabagong ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).

Sa datos noong Nobyembre 30, 951 pa lamang ang COVID-19 death toll sa lungsod ngunit pagsapit ng Disyembre 11, araw ng Linggo ay lumobo na ito sa 1,002.

Mula naman sa 47,889 kaso ay sumipa sa 48,087 ang cumulative confirmed cases o 158 na nahawa, habang lumamang lang ng isa ang bilang ng gumaling na 159, na mula 46,797 ay naging 46, 956.

Bumaba naman sa 89 ang aktibong kaso ng COVID-19 mula sa dating 101 kaso. Merly Iral