1 patay sa Benguet sa lindol – NDRRMC spox

1 patay sa Benguet sa lindol – NDRRMC spox

July 27, 2022 @ 1:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Isang indibidwal ang naiulat na ansawi kasunod ng magnitude 7 earthquake na tumama sa Abra at iba pang lugar sa Luzon, kabilang ang Metro Manila, nitong Lunes ng umaga, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Base kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, isang construction worker sa La Trinidad, Benguet, ang naiulat na namatay dahil sa bumagsak na debris.

Bineberipika pa  ng lokal na pamahalaan ang impormasyon, ayon kay Timbal.

Hindi naman umano nagdulot ng pinsala sa mga dam  ang tectonic earthquake na naramdaman bandang alas-8:43 ng umaga.

Inihayag din ni Timbal na nakikipag-ugnayan na ang NDRRMC sa local counterparts nito sa Region 1, 2, Cordillera Administrative Region, 3 at Metro Manila upang suriin ang natamong pinsala.

“Assessment continues as of now but some areas have sustained damages to public and private structures,” aniya.

Siniguro rin ni Timbal sa publiko na sapat ang suplay ng relief spara sa mga apketadong rehiyon upang suportahan ang local relief efforts na isinasagawa ng local government units.

Kasalukuyang nasa operations center ng council si NDRRMC chairperson at Defense officer-in-charge Jose Faustino Jr. upang makipag-ugnayan sa disaster officials ng mga apketadong rehiyon, ayon kay Timbal. RNT/SA